Ano Ang Mga Halimbawa Ng Paggamit Ng Dalawang Wika Sa Edukasyon?
PAGGAMIT NG DALAWANG WIKA – Kapag ang sistema ng edukasyon ay gumagamit ng dalawang wika, ito ay tinatawag natin na “bilingguwalismo”.
Sa Ingles, ang “Bilingguwalismo” ay tinatawag na “bilingualism”. Sa Pilipinas, karamihan sa mga residente dito ay “bilingguwal” na simula pa sa pagkabata.
Ito ay dahil sa sistema ng edukasyon na nagtuturo hindi lamang ng Filipino kundi pati na rin ang lokal na dialekto o wika.
Isang halimbawa ng bilingguwalismo sa sistema ng edukasyon ay makikita sa Visayas at Mindanao. Dito, tinuturo ang mga kabataan gamit ang dalawa o tatlong wika – ang lokal na dialekto, Filipino, at Ingles.
Kaya naman, hindi lamang bilingguwalismo ang makikita natin sa mga lugar na ito, kundi trilingguwalismo. Ngunit, para sa mga tao na nakatira sa central na bahagi ng Luzon katulad ng Metro Manila, karamihan ay gumagamit ng bilingguwalismo para sa kanilang edukasyon.
Sa Pilipinas, naka takda sa ating batas na ang mga guro ay dapat na gumamit ng pangunahing wika at pangalawang wika sa pagturo. Ang opisyal na mga wika na tinuturo ay ang wikang Filipino at Wikang Ingles.
Bakit Mahalaga ang Bilingguwalismo?
Mahalaga ang Bilingguwalismo dahil hindi ito nakatuon sa isang wika, pinapayagan ang mga mag-aaral na matuto ng ibang wika at magamit ito upang makipag-usap o kumonekta sa iba.
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Palatandaan Ng Pagiging Makatarungang Tao: 10+ Na Mga Halimbawa