Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Kahulugan Ng Hamon?”
HAMON – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano ang kahulugan o ang ibig sabihin ng salitang “hamon” at mga halimbawa nito.
ANO ANG HAMON?
SAGOT: Ang salitang HAMON ay tumutukoy sa isang paanyaya na magsagawa ng isang bagay upang masubukan ang lakas o kakayahan ng isang tao.
Ito ay isang terminong na nauugnay sa mga pagsubok. Ito rin ay isang paraan upang makita kung ang isang tao ay may kakayahang gumawa ng anumang bagay. May magagawa o hindi.
HALIMBAWA NG PAGGAMIT NG HAMON SA PANGUNGUSAP
- Maraming hamon sa buhay na hinaharap si Peter, pero siya pa rin ay patuloy na lumalaban para kanyang mga pangarap.
- Ang hamon ng aming guro ay makapagtapos kaming lahat na may parangal.
- Hinamon ako ni Hector na kainin ang maanghang na noodles.
URI NG MGA HAMON
Lahat tayo ay may indibidwal na mga karanasan. Dahil dito, iba’t-ibang ang mga hamon na ating nararanas sa buhay. Kahit pa na ang dalawang tao ay pareho ng edad at magkaka-klase, hindi ibig sabihin na pareho ang mga hamon na kanilang dapat harapin.
Heto ang mga halimbawa:
- Personal na hamon
- Hamon sa kapaligiran
- Hamon sa pamilya
- Mga hamon sa paaralan
- Hamon sa trabaho
- Pinansyal na hamon
- Spiritual na hamon
- Hamon sa pangarap
- Hamon sa pagmamahal
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Pag Aalsa Ni Dagohoy – Sanhi At Bunga Ng Pag Aalsa