Heto Ang Mga Halimbawa Ng Kahalagahan Ng Ekonomiya Sa Panlabas Na Sektor
BAKIT MAHALAGA ANG EKONOMIYA – Isa sa mga kailangan ng panlabas na sektor ay ang kahalagahan ng ating ekonomiya.
Sa paksang ito, ating sasagutin ang katanungan kung bakit nga ba importante and ekonomiya para dito. Pero, bago ito, atin munang sasagutin kung ano nga ba ang tinatawag na panlabas na sektor at ekonomiya.
Ang ekonomiya ay tinukoy bilang ang mga aktibidad ng produksyon at pagkonsumo na tumutukoy sa kakulangan ng mga mapagkukunan sa isang naibigay na lokasyon.Binubuo nito ang lahat ng aspeto ng produksyon at pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo.
Mayroon nang isang ekonomiya upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga kalahok nito.
Samantala, ang panlabas na sektor ay ang sektor ng ekonomiya ng isang bansa na may responsibilad ng pag transkayon sa iba pang mga nasyon. Ito rin ang nagaangkat ng produkto galing sa ibang mga bansa.
Ating tandaan na may mga pagkukulang sa produkto ang lahat ng mga bansa. Kaya naman, gumagawa sila ng paraan upang mangangalakal sa ibang mga nasyon.
BAKIT KAILANGAN ANG EKONOMIYA SA PANLABAS NA SEKTOR?
Ang panlabas na sektor ay kasama sa paikot na daloy ng ekonomiya. Ito ay may mga epekto sa ekonomiya ng isang bansa dahil ito ay kasama sa diagram kung paano umuunlad at gumagana ang ekonomiya. Heto ang ilan sa mga dahilan kung bakit mahalaga ito sa sektor na panlabas:
- NATUTUGUNAN ANG KULANG NA PRODUKTO – Hindi lahat ng produkto ay makikita sa isang bansa. Kaya naman, kailangan magtulungan ng mga panlabas na sektor ng mga nasyon para makipag-ugnay sa isa’t-isa. Halimbawa, sa Pilipinas, kailangan natin ng suplay ng petrolyo o gas. Pero, kailangan rin ng ibang bansa ng mga produkto na tulad ng mga prutas na marami sa Pilipinas.
- DAGDAG KITA SA EKONOMIYA NG BANSA – Ang ating ekonomiya ay nakakakuha ng kita mula sa dayuhang sektor. Ang isang bansa ay hindi lamang nag-aangkat mula sa ibang bansa, ngunit nagluluwas din ito ng mga bagay sa panlabas na sektor. Karagdagang kita ito ng gobyerno dahil kulang ang suplay na mayroon sila upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan, kaya nararapat lamang na ibenta ito sa panlabas na sektor.
- MAGANDANG RELASYON SA IBANG BANSA –Kritikal pa rin para sa bawat bansa na magkaroon ng mahusay na koneksyon upang magpatuloy sa pagpapalitan ng mga ideya, teknolohiya, at maging ng lakas-tao upang mapanatili ang isang malusog at maunlad na ekonomiya. May mga bansang mas progresibo sa maraming aspeto at handang ibahagi ang kanilang kaalaman para sa kapakanan ng mga kaalyadong bansa o sektor.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: What Is The Meaning Of Incessant? Usage And Examples