Heto Ang Mga Dahilan Kung Bakit Kailangan Pag-aralan Ang Panitikan
KAHALAGAHAN NG PANITIKAN – Ang pagpapa-unlad ng kakayahan at kaalaman sa sariling wika ay isa sa mga dahilan kung bakit kailangan ang panitikan.
Ating tandaan na ang pag-aaral ng panitikan ay isa sa mga paraan upang tayo’y mabigyan ng koneksyon sa ating kultura at tradisyon. Ito’y dahil ang mga gawa ng panitikan ay kadalasang sumasalamin dito.
Makikita rin natin sa panitikan ang mga pangyayari na sumasalamin sa kasalukuyang panahon. Dahil dito, natatalakay ang mga isyung panlipunan at na bibigyan ang mga tao ng aral na moral. Kaya naman, masasabi rin natin na mahalaga ang pag-aaral ng panitikan dahil napapabuti nito ang mga tao gamit ang mga gintong aral.
Heto ang ilan sa mga dahilan kung bakit mahalaga ang panitikan na pag-aralan:
PAGIGING PAMILYAR SA SARILING WIKA – Ang panitikan ay mayaman sa iba’t ibang gamit ng ating wika, at ang pag-unawa dito ay nagpapabuti sa ating kaalaman tungkol dito.
PAGPAPAHAYAG NG SARILI – Tumutulong sa atin na ipahayag ang ating sarili nang mas malinaw- Ang pagkakaroon ng lubusang pag-unawa sa ating wika ay nagpapahintulot sa atin na ipahayag ang ating sarili nang mas malinaw sa iba.
Higit pa rito, kinakailangan ang malaking kasanayang pangwika, partikular sa mga larangan tulad ng pamamahayag, upang maiwasan ang paghahatid ng mga nakalilitong balita.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Lapulapu or Lapu-Lapu? NQC Clarifies Name Of Mactan Leader