Heto Ang Sagot Sa “Ano Nga Ba Ang Monolinggwalismo?”
MONOLINGGWALISMO – Ang monolinggwalismo ay ang pagpapatupad ng batas na kung saan isa lamang ang wika sa lugar kahit ano pa ang sitwasyon.
Bukod dito, ang monolinggwalismo rin ay ang kapasidad ng isang indibidwal na magsalita at makaintindi ng isang lengwahe lamang. Madalas itong ikinukumpara sa Bilingwalismo at Trilingwalismo.
BAKIT MAHALAGA ANG MONOLINGGWALISMO
Hindi lahat ng tao ay nakaka intindi sa ating lengwahe, lalo na kapag tayo ay mga dayuhan lamang sa isang lugar. Isang halimbawa nito ay ang Pilipinas na kahit iisang bansa ang mga tao, maraming mga wika ang ating maririnig dito.
Kaya naman, may ilang mga lugar na monolingwal lamang at maiintindihan lang ang kanilang sariling wika o dialekto. Buti na lamang ay itinanghal na ang Filipino ay maging pambansang wika. Dahil dito, ginagamit na ang Filipino para sa mga opisyal na dokumento at edukasyon ng mga kabataan.
Karagdagan, ayon sa isang pag-aaral tungkol sa pag-access sa leksikal, ang mga monolingwal ay madalas na nagpapanatili ng isang mas malawak na bokabularyo sa isang target na wika. Kaya naman, may kaugnayan sa isang maihahambing na bilinggwal, at na nagdaragdag ng kahusayan ng pagkuha ng salita ang mga monolingwal.
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Tula Tungkol Sa Pagbabago: Halimbawa Ng Maikling Tula