Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Ugnayan Ng Wika At Tao”?
WIKA AT TAO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang ugnayan ng wika at tao at ang mga halimbawa nito.
Alam naman nating lahat na ang wika ay ang pinakamahalaga at pinakamabilis na instrumento ng komunikasyon. Dahil sa wika, tayo ay nagkakaroon ng kakayang magbigay at kumuha ng impormasyon sa iba.
Kaya naman, mas umuunlad ang komunidad ng mga tao dahil sa wika. Napag-uusapan ang iba’t-ibang isyung panlipunan at nakakagawa ng solusyon ang mga tao dahil sa pag gamit ng wika.
Bukod dito, masasabi rin natin na ang wika ay mahalaga sa lipunan dahil ito ang nagiging plataporma ng mga tao na ipahayag ang kanilang mga ideya at saloobin.
Dahil sa ating wika, naipagmamalaki ng mga tao ang kani-kanilang mga lipunan o bansa sa buong mundo. Ito’y dahil ang wika ay isa rin sa mga bagay na nagpapakita na kasarinlan natin sa ibang mga kultura at lugar.
Higit sa lahat, ang ating pansariling wika ay isa sa mga indikasyon na tayo ay isang malayang komunidad. Dahil dito, ang wika ay isa sa mga dahilan kung bakit nagbubuklod ang mga tao sa isang lugar o komunidad para magkaintindihan at magtulugan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Ano Ang Salitang Dinalgat? Kahulugan At Mga Halimbawa Nito