Ano Ang Mga Halimbawa Ng Tekstong Argumentatibo? (Sagot)
TEKSTONG ARGUMENTATIBO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan at halimbawa ng mga tekstong argumentatibo.
Ang isang tekstong argumentatibo ay may layunin na magpatunay sa isang argumento sa pamamagitan ng pagbigay ng kapanila-paniwalang ebidensiya, katotohanan, at lohika.
Upang tiyak na maipagtanggol ang isang argumento, kailangang nakalagay sa isang maayos, malinaw, at konkretong paraan ang mga detalye, impormasyon, at datos tungkol sa isang paksa para mahikayat ang mga mambabasa o madla.
Heto ang ilang mga halimbawa ng Tekstong Argumentatibo:
- Tesis
- Posisyong Papel
- Papel na Pananaliksik
- Editoryal (nababasa karaniwan sa bahaging editoryal ng mga magasin at dyaryo)
- Petisyon
- Debate (pakikipagtalo na maaaring nakasulat o binibigkas gaya ng Balagtasan)
Ang isang Tesis ay matatawag na tekstong argumentatibo dahil ito’y may layuning ihikayat ang mambabasa pa tungkol sa isang problema at kung paano ito mabibigyan ng solusyon. Kadalasan, ito’y dumadaan sa isang lupon o panel at dapat itong ipaglaban.
Isa rin sa mga halimbawa nito ay ang isang debate. Dito, nakikipagtalo ang dalawang panig tungkol sa isang paksa tungkol sa positibo at negatibong epekto nito.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Bakit Mahalaga Maging Tapat – Halimbawa At Kahulugan