Panalangin Sa Pasko Halimbawa – Mga Panalangin Sa Araw Ng Pasko

Heto Ang Mga Halimbawa Ng Panalangin Sa Pasko

PANALANGIN SA PASKO – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang iba’t-ibang mga halimbawa ng panalangin para sa araw ng pasko.

Bilang mga Pilipino, malaking bahagi ng ating kultura at tradisyon ang Pasko. Sa panahong ito, nagsasalo-salo ang lahat ng tao kasama ang kanilang pamilya at mga kaibigan.

Panalangin Sa Pasko Halimbawa – Mga Panalangin Sa Araw Ng Pasko

Kaya naman, sa araw ng panganganak ni Hesus, dapat tayong magpasalamat para sa lahat ng bagay na nagawa ng Diyos para sa atin. Heto ang mga halimbawa ng Panalangin na pam-Pasko:

Panginoon ko at Tagapagligtas, binabati po kita sa araw ng iyong pagsilang. Ang iyong kaluwalhatian ay hindi matatawaran. Ikaw ang rason ng pagiging ligtas ng buong mundo. At ikaw ang kasama ng Amang Diyos sa paglikha ng lahat ng bagay.

Aming inaalay ang aming mga buhay. Mapagtibay nawa namin ang aming mga prinsipyo’t pananampalataya upang maging karapat-dapat sa iyo at magiging paghahanda namin sa pagparito mong muli.

Hesus, liwanag ng mundo,
sa aming pagdiriwang kami ng iyong pagsilang…
makita nawa namin ang mundo sa liwanag ng iyong pang-unawa at awa para sa aming lahat.
Dahil pinili mo ang mga aba at inaapi,

kaming mga tao, maliit, at mahirap ay nakatanggap ng dakilang balita na matagal nang hinihintay at natuto kaming sumamba sa iyo na taimtim ang puso. Sa mga kaarawan mo na ito, aming aalahanin ang mga higit na may kailangan ng aming pag-ibig at pagbibigay. Amen..

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph.

BASAHIN DIN: Batak Ang Katawan Kahulugan At Gamit Nito Sa Pangungusap

Leave a Comment