Sagot Sa Tanong Na “Paano Maiiwasan Ang Krimen Sa Lipunan?”
KRIMEN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung paano nga ba natin maiiwasan ang krimen sa ating lipunan o komunidad.
Ating tandaan na ang paglaganap ng krimen ay hindi dahil sa pagdami ng mga kriminal. Ang paglaganap ng krimen ay lubusang konektado sa antas ng pamumuhay ng mga tao sa isang komunidad.
Kadalasan, ang isang indibidwal ay pinipili na lamang ang kapit-patalim na buhay dahil para sa kanya, ito na lamang ang magagawa niya para ma tustusan ang kanyang pangangailangan.
Kaya naman, masasabi natin na isa sa pinakamadaling paraan kung paano maiiwasan ang krimen ay ang pagtatapos sa kahirapan. Ang pangunahing problema ng ating bansa ay ang kahirapan.
Ito’y nag uudyok sa iba na gumawa ng krimen upang kumita o magkaroon ng pera. Dahil rin sa kahirapan mas pinipili na lamang ng mga tao na maghanap ng pera kesa pagbutihin ang kanilang buhay sa pamamagitan ng edukasyon.
Ito’y dahil ang kahirapan ay hindi nagbibigay ng sapat na oportunidad para sa mga tao na mapabuti ang kanilang antas ng buhay.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Tula Sa Likas Na Yaman: Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Likas Na Yaman