Sino-Sino Ang Mga Tauhan Sa Kwentong “Natalo Din Si Pilandok”
NATALO DIN SI PILANDOK – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung sino-sino nga ba ang mga tauhan sa kwentong “Natalo Din Si Pilandok”.
Ang kwentong ito ay isang parabula tungkol sa isang maliit na uso na kilala bilang si “Pilandok”. Siya ay isang tuso at mapanlokong hayop. Heto ang iba pang mga tauhan sa kwento.
Baboy ramo – siya ay isang mabangis at nakakatakot na hayop na may pangil. Siya ang hayop na balak kainin si Pilandok. Nalinlang siya ng usa sa pamamagitan ng pagsasabi na kailangan nito ng laman ng tao upang ito ay mabusog.
Subalit walang kaalaman ang Baboy ramo sa hitsura ng tao. Alam ni pilandok ito at ginamit niya ang kaalamang ito laban sa Baboy Ramo.
Buwaya – Siya ay kumakain ng buhay o patay na hayop. Si Buawaya ang isa sa mga mahigpit na kalaban ni Pilandok. Dahil sa kanyang mga panlilinlang kaya ito ay galit sa kanya.
At ang Suso na isang maliit na hayop, na kung kumililos ay makupad. Siya ang nakatalo kay Pilandok sa karera, ginamit nito ang kanyang utak upang malinlang ang usa.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Kahulugan Ng Sarswela – Ano Ang Ibig Sabihin Ng Sarswela?