Ano Ang Kahulugan Ng Salitang Karukhaan? (Sagot)
KARUKHAAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng salitang Karukhaan at ang mga halimbawa nito.
Maraming salita sa Tagalog ang hindi na nabibigyan pansin. Maaari itong dulot ng pag-angat ng teknolohiya, wika, at iba pang aspeto ng pagbabago sa kultura.

Ngunit, atin dapat na bigyang pansin ang mga salitang ito dahil ito’y parte ng ating kultura at tradisyon. Kaya naman, ating pag-aaralan ang salitang Karukhaan at ang ibig-sabihihin ng salitang ito.
Ang karukhaan ay nangangahulugan ng pagiging salat sa pamumuhay. Ang mga salitang kahirapan at karalitaan ay ang mga kasingkahulugan nito.
Heto ang mga halimbawa:
- Lalo pang nakapanlulumo kaysa sa gumigiyagis na karukhaan ang karahasan na sumisira sa buhay ng napakaraming babae.
- Nasusumpungan nila ito sa mga bansang napinsala na ng karukhaan, taggutom, at sakit.
- Makatuwiran ba na ang maliit na bilang ng mga panalo ay nagtatamasa ng labis-labis na kayamanan samantalang ang nakararaming talunan ay nasasadlak sa kaaba-abang karukhaan?
- Kailan pa ba tayo makakaahon sa karukhaan ng buhay natin na ito?
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Katangian Ng Diyalekto Halimbawa At Kahulugan Nito