Ano Nga Ba Ang Kahalagahan Ng Mga Idyoma? (Sagot)
IDYOMA – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang kahalagahan ng mga idyoma at ang mga halimbawa nito.
Ang idyoma ang isa sa mga unang paraan ng pakikipagkomunikasyon noong panahon pa ng ating mga ninuno. Ito ay mistulang nagbibigay kulay sa mga simpleng salita at kadalasan ring humahango ng bagong pangangahlugan sa isang salita o grupo ng mga salita.
Pero bakit nga ba ito tinuturo sa paaralan? Ano ba ang kahalagahan na mayroon ito sa atin?
Ang kahalagahan ng idyoma ay lingid sa kaalaman ng marami. Ang dahilan ay nag uugat pa sa ating kasaysayan dahil ang pag aaral nito ay makakapaalala sa atin ng ating pinanggalingan. Ito rin ay makakapaglawak at makakapaghasa ng ating pagka-Pilipino sapagka’t hindi lang natin tinatangkilik ang sarili nating wika kundi binibigyan rin natin ito ng respeto.
Sa pag usbong ng iba’t ibang lenggwahe sa ating bansa ay tila nakakalimutan na natin ang sariling atin. Unti unti nang nababaon sa limot ang pinapangalagaang kultura ng ating bansa. Ang paggamit ng mga idyoma ay isa lang sa maraming paraan upang maibalik natin ang dating hiyang at kasaganaan ng ating lahi.
Wala ring mawawala kung atin itong pahalagahan. Sa halip ay magbibigay pa ito ng karagdagang kaalaman sa atin tungkol sa ating pinagmulan. Huwag nating hintayin na tuluyang mawala ang mga bagay na nagpapabuklod sa atin dahil darating ang araw na wala na talaga tayong magagawa kundi pagsisihan ang mga panahon na dapat ay nagawa pa tayo.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Ano Ang Aspektong Kontemplatibo – Halimbawa At Kahulugan Nito