Ano Ang Kahalagahan Ng Isang Debate?
DEBATE – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahalagahan ng debate at ang mga halimbawa nito.
Ang pakikipagdebate ay isang uri ng argumento na may sinusunod na pormat. Bawat tao na kasali dito ay nabibigyan ng pagkakataon na magsalita at labanan ang mga sinasalita ng kanilang kalaban.
Bukod dito, ang isang debate ay mahalaga para sa lahat ng tao, hindi lamang para sa mga Akademiko. Ito’y dahil ang isang debate ay nagbibigay kaalaman sa mga madla tungkol sa mga mahahalagang isyu sa dalawang perspektibo.
Ating tandaan na ang isang debate ay hindi katulad ng mga simpleng argumento lamang. Sa platapormang ito, mayroong ding mga timekeeper na nagbabantay ng oras ng bawat tagapagsalita.
Karaniwang ang paksa sa isang debate ay ibinibigay nang mas maaga upang makapaghanda ang dalawang panig para sa kani-kanilang mga argumento.
Sa mga eleksiyon kadalasan nating makikita ang isang debate o talakayan tungkol sa mga napapanahong isyung panlipunan. Mahalaga ang debateng ito dahil naipapakita sa mga tao kung ano nga ba ang plataporma ng mga kandidato tungkol sa mga isyu.
Subalit, may mga pagkakataon na ang debate ng mga pulitiko ay nauuwi sa panlalait ay hindi na nabibigyan pansin ang isyung dapat talakayin.
Samantala, sa panahon ngayon, ang mga debate ay madalas nang makita sa sosyal medya. Sa lahat ng mga isyu may mga taong nagbibigay ng kanilang opinyon tungkol sa isang bagay. Sa paraang ito, na bibigyang pansin ang isang isyu sa mas malawak na paraan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Anyo Ng Pagpapahayag Halimbawa At Kahulugan Nito