Sagot Sa Tanong Na “Bakit Mahalaga Ang Respeto Sa Kapwa At Sarili?”
RESPETO SA KAPWA AT SARILI – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung bakit nga ba mahalaga ang pagbibigay ng respeto sa ating kapwa at sarili.
Ang respeto ay isang bagay na mahirap makuha at madali lamang mawala. Ito’y ihinihahantulad sa isang salamin, kapag ito’y mabawas, maaari itong ibalik, ngunit, hindi na ito magiging katulad ng dati.
Ang pag respeto sa kapwa ay nag sisimula sa pagtanggap kung sino sila na walang halong masamang intensiyon. Karagdagan, kapag tayo ay nagbibigay ng respeto, tayo rin ay nagbibigay ng ating tiwala sa iba.
Ating tandaan na ang pagbibigay ng respeto sa ating kapwa ay isang pondasyon ng pagpapakita na tayo ang mga tao at hindi mga salbahe. Nagbibigay din tayo ng respeto para ipakita na tayo ay kagalang-galang.
Sa pagbibigay ng respeto, mas malaki rin ang oportunidad na ika’y bigyan ng respeto. Pero, higit sa lahat, kailangan mo munang i respeto ang iyong sarili.
Ito’y dahil hindi ka maaari makapagbigay ng isang bagay na wala sa iyo. Kapag may respeto ka sa iyong sarili, malalaman mo na hindi lahat ng tao ay karapatdapat ng iyong respeto.
Dahil dito, hindi ka madaling mauto ng iba at magkakaroon ka din ng tinatawag na “self confidence” na harapin ang mga hamon mo sa buhay.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Bakit Mahalga Ang Dula? Halimbawa At Kahulugan Nito