Ano Ang Aspektong Kontemplatibo – Halimbawa At Kahulugan Nito

Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Aspektong Kontemplatibo?”

ASPEKTONG KONTEMPLATIBO – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang aspektong kontemplatibo at ang mga halimbawa nito.

Ang mga pandiwa ay isang bahagi ng pangungusap na naglalarawan ng isang kilos. Heto ay may tatlong pangunahing aspekto: Perpektibo, Imperpektibo, at Kontemplatibo.

Ang kilos na ito ay panghinaharap or magaganap pa malamang. Ito ay mga kilos mangyayari pa lamang sa hinaharap.

Ano Ang Aspektong Kontemplatibo – Halimbawa At Kahulugan Nito

Sa paksang ito, ating tatalakayin ang tungkol sa kontemplatibong aspekto nito. Heto ang mga halimbawa:

1)  Ang mga estudyante ay papasok sa kanilang silid-aralan pagkatapos ng program.

2) Pupunta sila sa bukid sa susunod na taon kung matatapos na ang pandemyang COVID-19.

3)  Ako ay maghahandang mga kagamitan na madaling dalhin kung magkakaroon ng isang garage sale.

4) Magdadala kami ng mga instrumento at ilaw bukas para sa okasyon ng kaarawan ni barangay Kapitan.

5)  Sina Vincent at Jonathan ay tatakbo sa darating na Linggo sa “fun run” kung saan ang mga malilikom na pera at donasyon ay ibibigay sa sa bahay-ampunan.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph.

BASAHIN DIN: Bakit Mahalaga Maging Tapat – Halimbawa At Kahulugan

Leave a Comment