Heto Na Ang Mga Halimbawa ng Talata Tungkol Sa Ayuda
TALATA SA AYUDA – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang mga halimbawa ng talata tungkol sa ayuda.
Sa panahon ng pandemya, marami sa ating mga kababayan ang nawalan ng trabaho. Dulot ito ng quarantine na kinailangan upang hindi na kumalat ang bagong coronavirus na COVID-19.
Dahil sa pagkawala ng trabaho, maraming pamilya ang hindi na kayang tustusan ang pang araw-araw nilang pangangailangan katulad ng pagkain. Kaya, gumawa ang gobyerno ng paraan upang sila’y matulungan.
Isa sa mga proyekto ng gobyerno ay ang Bayanihan To Heal As One Act. Nakapaloob dito ang badget na ibibigay bilang ayuda sa mga apektadong pamilya na nawalan ng trabaho.
Ngunit, isa sa mga malaking problema ng pagbibigay ng ayuda ay ang sistema kung paano ito naibibigay sa mga tao. Sa panahon ng pandemya, dapat mayroong social distancing para maiwasang dapuan ng sakit.
Pero, sa mga nakikita natin sa mga unang buwan ng quarantine, ang pagbibigay ng ayuda ay ginagawang “barangay-wide”. Kaya naman, lahat ng mga naka lista sa ayuda ay dumapo sa iisang lugar lamang.
Dahil dito, malaki ang pangamba na mas kumalat pa ang COVID-19 sa mga komunidad. Pero, dahil marami sa mga lubos na na apektuhan ng pandemya ay mga mahihirap, hindi maaaring palampasin ang oportunidad na kumuha ng ayuda para mabigyan ng pagkain ang mga pamilya nila.
Sa ngayon, hindi na ganun ka strikto ang quarantine. Unti-unti nang bumabalik ang mga tao sa kanilang trabaho. Ngunit, marami pa rin ang kailangang bigyan ng tulong at ayuda.
Ating tandaan na hindi lahat ng tao ay may pantay-pantay na oportunidad para bumangon. Kaya dapat tayong tumulong sa ating mga kapwa sa kahit ano mang paraan.
BASAHIN RIN: Ano Ang Klima? – Kahulugan At Mahalagang Kaalaman Tungkol Sa Klima