Heto Na Ang Kumpletong Talasalitaan Ng Ibong Adarna
TALASALITAAN SA IBONG ADARNA – Ang kwentong Ibong Adarna ay isa sa pinakakilalang kwento sa Pilipinas.
Bukod dito, ang Ibong Adarna ay makukunan ng maraming aral na nagsisilbing gabay sa ating buhay. Ang tema ng kwento ay siyang dapat na tutukan at pag-aralan dahil sumasalamin ito sa mga karanasan at emosyon ng mga tao sa kasalukuyan.
Ngunit, kapag ating binasa ang ibang mga bersyion ng Ibong Adarna, maraming salita ang masyadong malalim. Dahil dito, isang talasalitaan ang kailangan upang ating ma intindihan ang mga salita.
Heto ang buong talasalitaan para sa Ibong Adarna:
- A
- Aarok – paraan ng pagsukat sa lalim ng tubig gamit ang iyong sariling katawan o ibang bagay na pansukat.
- Aba – pagpapahayag o pagpapakita ng matindi at masidhing damdamin.
- Aglahi – pagmamaliit at pangungutya ng isang lahi
- Alumana – pag-aasikaso. o pag-aabyad
- Antak – malalang sakit mula sa natamong sugat
- Armenya – bansa sa timog-kanlurang Asya na napapalibutan ng mga bansang Turkiya, Georgiya, Turkiya, Georgia, Iran at Azerbaijan.
- B
- Balintuna -isang pahayag na sumasalungat sa umiiral na paniniwala
- Bawa – bawal o bawas
- Berbanya – lugar na kathang-isip lamang ng may-akda ng Florante at Laura
- Binabata – tinitiis na pagdurusa at paghihirap
- Bulaos – ito ang daanan ng mga hayop tungo sa inuman at paliguan nila
- Bumbong – isang sisidlan na karaniwang gawa sa kawayan.
- D
- Daluhong – isang biglaang paglulusob
- Datay – nakaratay dahil sa malubhang sakit
- Dawag – baging na may maliliit, matitinik na bulaklak
- Dayap – sitrus; halaman na may maasim na bunga
- Dumaratal – dumarating
- Dunong – talino, galing o kaalaman
- Duruan – tusukan; tuhugan
- G
- Garing – pangil ng elepante na matigas at kulay puti
- Gulod – mataas na pook, burol o talampas
- H
- Hapag – lamesa na gawa sa kawayan
- Hapo – paghingal ng dahil sa pagod
- Hibo – sulsol
- Hungkag – walang anumang laman
- I
- Ihugos – ipababa ang isang bagay mula sa kinalalagyan nito gamit ang isang lubid
- Ilog Jordan – ilog na nagsisilbing hangganan ng Israel at Jordan. Dumadaloy ito pa-timog mula Syria.
- Inimbulog – pinalipad ng mataas
- K
- Kaniig – taong kinakausap ng matalik na kaibigan
- Kapara – kapareho ; katulad
- Karbungko – batong matingkad at kulay pula
- Karosa – isang malaking karwahe
- Katad – pinatuyong balat ng isang hayop.
- Kawasa – matatag.
- Kinatigan – pinanigan o kinampihan.
- Kinaurali – nakipagsabwatan.
- Kuhila – taong taksil
- L
- Labaha – matalas na kasangkapan na ginagamit bilang pang-ahit ng balbas o buhok.
- Lango – lasing
- Linsad – wala sa wastong pagkakalagay o ‘di kaya ay pagkakapuwesto
- Luhog – pakiusap o pagsamo.
- Lunos – pagkaawa; hindi lumiliyab na kahoy
- M
- Magkamayaw – magkaroon ng kaguluhan
- Magniig – malapit na kaugnayan ng dalawang tao
- Malirip – masisid nang malalim
- N
- Nabahaw – paggaling ng sugat
- Naduhagi – nabigo.
- Nagahis – nadaig ng lakas o kapangyarihan
- O
- Olikornyo – ibong pinangangalagaan ng tao
- P
- Pagkadaop – pagkakalapat ng mga kamay tulad na lamang ng nagdarasal; pagkasanib
- Pantas – matalinong tao
- Piedras Platas – puna nalikhang-isip ng may-akda
- S
- Salaghati – sama ng loob.
- Salamisim – alaala
- Saliwa – magkabaligtad na pares
- T
- Tabor – bundok sa Hilagang Israel malapit sa Nazareth
- Tinangisan – pag-iyak dulot ng matinding pagdadalamhati at pagkalungkot
- Tinitikis – sinasadya
- U
- Ukilkil – panggigiit
- Umugin – bugbugin
- Uslak – hangal
BASAHIN RIN: Ako Ay Pilipino Lyrics At Kahulugan Ng Kantang Ito