RRL Sa Tagalog, Proseso, Halimbawa At Kahulugan Nito
RRL TAGALOG – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung paano nga ba gumawa ng “Review of Related Literature” sa Tagalog at ang mga halimbawa nito.
Ang RRL o “Review of Related Literature ay isang malaking bahagi ng mga sulating akademiko, lalo na sa mga pagsasaliksik. Dito nalalagay ang mga sinisiyasat na mga paksang kaugnay sa iyong pinag-aaralan.
Halimbawa, kung ikaw ay kumuha ng paksa tungkol sa isyung panlipunan na pam-bubully, maaari mong gamitin sa RRL ang mga artikulo o paksa tungkol sa hazing. Sa paraang ito, malalaman mo kung ano na ang naisulat tungkol sa paksa at kung ano ang hindi pa.
Bukod dito, malalaman mo rin kung ano ang kahalagahan ng paksang piniling pag-aralan. Nasa ibaba ang iba pang mahahalagang kaalaman tungkol sa RRL:
Proseso ng Paggawa ng RRL
Ito’y nagsisimula sa input o ang pagbasa ng mga kaugnay na literatura. Sa prosesong ito, dapat nating alamin kung ano ang mga bagay na kailangan bigyang pansin at ang mga dapat papasadahan lamang.
Maaaring gamitin ang iba pang sulating akademiko galing sa mga kaugnay na literatura at mga “reference material”.
Mga kadalasang parte ng RRL
- Local Studies – mga pagaaral na naisulat sa Pilipinas na mula sa mga thesis at journal
- Foreign Studies – mga pag-aaral na naisulat sa labas ng Pilipinas na mula sa mga thesis at journal
- Local Literature – mga pagaaral na naisulat sa Pilipinas na mula sa libro
- Foreign Literature – mga pag-aaral na naisulat sa labas ng Pilipinas na mula sa mga libro
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph
BASAHIN RIN: Talasalitaan Sa Ibong Adarna – Kompletong Talasalitaan Ng Kwento