Ano Ang Pang Abay Na Pamaraan? (Halimbawa At Kahulugan)
PANG ABAY – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga halimbawa at kahulugan ng pang abay na pamaraan.
Ang pamaraang pang abay ay isang uri ng pang-abay ay nagpapakita sa kung paano ginawa ang isang kilos. Ito ay sumasagot sa tanong na “paano”. Heto ang mga halimbawa:
- Si Peter ay MAHIMBING na natutulog sa kanyang kwarto habang naka andar ang kanyang aircon.
- DAHAN-DAHANG binuksan ni Eva ang regalong ibinigay ng kaniyang kasintahan sa anibersaryo nila.
- MAHUSAY na ginawa ni Mark ang proyekto ng kanyang kapatid sa para sa kanyang takdang-aralin.
- Ang nakababata kong pamangkin ay MALAMBING na nanghihingi ng bagong sapatos kay tito.
- MAHINAHON niyang hinarap ang lalaking galit na sumugod sa opisina nila para magreklamo.
- Tinali niya ako nang MAHIGPIT para sa aming pribadong laro.
- Sumigaw ako nang MALAKAS dahil pinupulikat ang aking mga paa habang naliligo sa dagat.
- MATAMLAY siyang gumalaw dahil sa masamang panahon na inihatid ng PAGASA.
- TAOS-PUSONG nagpasalamat si Adam sa mga taong bumoto sa kanya sa eleksiyon.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Entertainment Speech Examples And Its Definition