Napapanahong Isyu Halimbawa At Kahulugan – Napapanahong Isyu 2020

Ano Ang Mga Halimbawa Ng Napapanahong Isyu Sa Kasalukuyang Taong 2020? (Sagot)

NAPAPANAHONG ISYU – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano ang mga halimbawa ng napapanahong isyu sa taong 2020.

Ang mga napapanahong isyu ay ang mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyang panahon. Ito’y mahalagang pag-aralan dahil malaki ang epekto nito sa ating lipunan at buhay.

Maraming isyu naganap sa taong ito. Sa simula ng taon, sumabog ang Bulkang Taal. Ito’y nagdulot ng malaking pinsala sa mga taong naninirahan malapit sa bulkan.

Pagkatapos nito, unti-unting dumarami ang mga kaso ng COVID-19 sa buong mundo. Nagsimula lamang ang sakit sa China at mabilis na kumalat hanggang dumating na ito sa Pilipinas. Isa sa mga napapanahong isyu buwang iyon ay ang hindi pag sara sa bansa sa mga turistang galing China.

Kasunod nito, nagkaroon ng quarantine sa buong Pilipinas. Dahil dito, isa sa mga napapanahong isyu na nakita natin ay ang pagkawala ng maraming trabaho. Patuloy rin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa mga panahong iyon.

Pagdating ng pagtatapos ng taon, sinalubong rin ang Pilipinas ng sunod-sunod na mga bagyo. Ito’y nag dulot ng malaking pinsala at matinding pagbaha.

Heto pa ang mga halimbawa ng napapanahong isyu sa Pilipinas:

  1. Kahirapan
  2. Ipinagbabawal na Gamot
  3. Malaking bilang ng populasyon
  4. Polusyon
  5. Kalusugan
  6. Edukasyon
  7. Seguridad at katahimikan
  8. pagkakautang ng bansa

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph.

BASAHIN RIN: Alamat Ng Sampalok Buod At Gintong Aral Ng Kwento

Leave a Comment