Ano Ang Mga Halimbawa Ng Elemento Ng Pelikula? (Sagot)
ELEMENTO NG PELIKULA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga halimbawa ng Elemento Ng Pelikula.
Ang isang pelikula ay katulad lamang ng isang aklat na mayroong iba’t-ibang elemento at aspeto. Pareho rin silang nagpapakita ng isang kwento. Subalit, iba lamang ang plataporma na gamit.
Sa pelikula, mayroong tatlong pangunahing elemento ito ang:
Sequence Iskrip – Ito’y tumutukoy sa mga pagkasunod-sunod ng mga kaganapan sa isang kwento. Sa mga libro, ito ay ang pangunahing kaganapan, kasukdulan, at ang pabagsak na aksyon. Ang magandang pelikula ay may kwento na hindi madaling mahuhulaan ng mga manonood ang mga susunod na mangyayari.
Sinematograpiya – Ito ang isa sa pinakamahalagang aspeto ng isang pelikula. Ang sinematograpiya ang paggamit ng mga kamara upang isalarawan ang mga pangyayari sa isang eksena. Bukod dito, ito ay nagiging instrumento na nagpapakita ng emosyon ng mga tauhan.
Tunog at musika – ito ang elemento na nagpapasidhi ng damdamin at emosyon ng mga pangyayari sa pamamagitan ng paggamit ng wastong tunog at pagpapatunog ng angkop na musika para mapukaw ang interes ng mga manonood.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph.
BASAHIN RIN: Labaw Donggon Katangian – Ang Epiko Ni Labaw Donggon