Heto Ang Mga Halimbawa Ng Maikling Pabula Na May Aral
MAIKLING PABULA – Maraming mga halimbawa ng kwento at pabula na maaaring kunan ng mga aral. Sa paksang ito, ating tatalakayin ang mga halimbawa ng pabulang maikli.
Isa sa mga halimbawa nito ay ang pabula na “Ang Aso at ang Uwak“. Maikli lamang ang pabulang ito ngunit mayroong mahalagang aral na pwedeng makuha sa katapusan ng kwento.
Ang Aso at ang Uwak
May isang ibon na tuwang-tuwa dahil siya’y nakakita ng karne na nakabilad sa araw. Tinagay niya ito ay dinala sa malayong lugar. Sinimulan niya itong kainin ng siya’y dumapo sa dulo ng sanga ng isang puno.
Habang siya’y kumakain, narinig niya ang malakas na boses ng isang aso. Sinabihan siya ng aso na “sa lahat ng ibon, ang uwak ang pinaka-magaling. Walang kakumpara!”.
Dahil sa papuri ng aso, natuwa ang uwak at nalaglag ang karneng nasa bibig niya. Nahulog ito sa lupa at tinangay ng aso.
Walang nagawa si uwak at tinitignan na lamang ang Aso na kumakain sa karneng nakuha niya. Mula noon, hindi na muling nagpalinlang si Uwak kay Aso.
Aral – May mga pagkakataon na tayo’y na sisilaw sa mga puri na ating nakukuha. Pero dapat nating tandaan na kailangan nating malaman kung ano ang totoo at kung ano ang hindi.
May mga taong gumagamit lamang ng mga matatamis na salita upang makuha ang kanilang gusto. At pagkatapos nun, babawiin lamang nila agad.
Sa maikling pabula na ito, ang aral na ating nakuha ay dapat hindi tayo masilaw sa puri. Dahil minsan, ito’y ginagamit lamang para tayo’y maapakan.
BASAHIN RIN: Napapanahong Isyu Halimbawa At Kahulugan – Napapanahong Isyu 2020