Ano Ang Halimbawa Ng Katangian Ng Pagpapakatao? (Sagot)
KATANGIAN NG PAGPAPAKATAO – Maraming katangian ng pagpapakatao ang ating makikita, sa paksang itong, tatalakayin natin ang mga halimbawa nito.
Ang pagpapakatao ay isang kilos na naglalarwan sa pagbibigay kaalaman na bigyan tugon ang pagkilala ng dangal at pagbigay ng respeto sa ibang tao. Bukod dito, ang pagpapakatao rin ay ang ating mga ipinapakitang personalidad.
Ito rin ay may dalawang bahagi:
- Pagiging Tao
- Ito ay tumutukoy sa pagka-ano ng tao.
- Pagpapakato
- Ito ay tumutukoy sa pagka- sino ng tao.
Ang paglikha ng pagka-sino ng tao ay nailalagay sa tatlong bahag:
- Tao bilang indibidwal
- Ito ang paghihiwalay ng isa sa ibang tao. Lahat tayo ay may sariling personalidad at pagkasarinlan.
- Ang tao na isang persona lamang
- Ito ay ang proseso o ang pag-iral ng tao bilang isang “persona”.
- Tao bilang personalidad
- Pagkamit ng tao sa kanyang kabuuan. Taglay niya ang matibay na pagpapahalaga at paniniwala sa kanyang sarili.
Ating din kailangang tandaan na ang pagpapakatao ay may tatlong katangian:
- May kamalayan sa sarili
- Ito ay ang pag-uunawa sa sarili, ang mga pagkakamali, ang pagkatao, at ang mga bagay na nagpapatunay ng pagkasarinlan.
- May kakayahang kumuha ng buod
- Ito ang kakayahang bumuo ng konklusyon mula sa isang pangyayari.
- Umiiral na nagmamahal
- Ang tao ay may kakayahang magmahal kung saan ang mga kilos niya ay dahil sa pagmamahal.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph
BASAHIN RIN: Ano Ang Promodiser? Kahulugan At Halimbawa Nito