Bakit Mahalaga Ang Modal? Kahulugan At Halimbawa

Sagot Sa Tanong Na “Bakit Mahalaga Ang Modal”? At Mga Halimbawa Nito

MODAL – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung bakit nga ba mahalaga ang tinatawag na “modal” ang ang mga halimbawa nito.

Ang modal ay tinagurian na malapandiwa bagama’t hindi man ito isang pandiwa ay nagsisilbi itong pantulong sa pandiwa sa loob ng pangungusap.

Bakit Mahalaga Ang Modal? Kahulugan At Halimbawa

Kahit na wala itong aspekto ay mahalaga pa rin ang paggamit ng modal dahil ito ang nagbibigay ng mas tiyak na kahulugan o damdamin na nais ipahayag ng manunulat o manalaysay sa naturang pandiwa na ginamit nito.

Sa makatuwid ay narito ang mga uri ng modal upang mas maintindihan nang mabuti ang kahalagahan nito:

  1. Naglalahad ng paghahangad
    Ibig kong mapakinggan ang mala anghel mong tinig.
    Gusto kong makarating ng ibang bansa balang araw.
  2. Pagpupumilit o labis na kagustuhang mangyari
    Dapat nating tapusin ang pinapagawa sa atin bago magpahinga.
    Kinakailangan ang mabilis na pagresponde sa kalamidad upang maiwasan ang pagdami ng mga masasawi.
  3. Naglalahad ng posibilidad
    Puwede mo ba akong bilhan ng pagkain?
    Maaaring isa sa dahilan ang iyong boses kung bakit ka hindi tinanggap sa trabaho.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph.

BASAHIN DIN: Tekstong Persweysiv Halimbawa At Ang Kahulugan Nito

Leave a Comment