Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Stock Knowledge?”
STOCK KNOWLEDGE – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano ang tintawatawag na stock knowledge.
Bilang isang mag aaral, pamilyar na sa atin ang katagang “stock knowledge”. Ito ay tumutukoy sa umanong natirang kaalaman sa ating mga utak. Kadalasan itong sinasabi kapag ang tao ay hindi nakapag aral o nagsuri man lang ng mga aralin nito bago ang napapalapit na pagsusulit.
Minsan ang stock knowledge ay iniuugnay rin sa mga tao na matatalino na kung saan hindi na nila kinakailangan mag-aral dahil sapat na raw ang nalalaman nila o ayon sa iba ay alam na nila ang lahat.
Ito man minsan ay may kabutihang naidudulot o nagreresulta sa iba ng matataas na marka ay hindi sapat na batayan na ito’y epektibo. Maaaring natsambahan lamang na nakuha niya ang tamang sagot kung kaya’t nakakuha siya nga mataas na marka.
Isang imahe lang aking nakikita sa mga taong umaasa sa stock knowledge at ito ay ang katangian ng pagiging tamad. Ito ay nagpapahayag lamang na binanalewala natin ang mga aralin na ibinibigay sa atin ng ating mga guro dahil sa ating pagdepende sa sariling kaalaman.
Makakabuti rin sa atin ang pag aaral kaysa sa umasa sa stock knowledge. Sa kadahilanang maliban sa ito’y makakapagbigay sa atin ng karagdagang kaalaman ay ito rin ang makakapagturo sa atin ng tamang disiplina sa ating mga sarili.
BASAHIN RIN: Entertainment Speech Examples And Its Definition