Ano Ang Klima? – Kahulugan At Mahalagang Kaalaman Tungkol Sa Klima

Ano Ang Kahulugan Ng Klima? (Sagot)

KLIMA – Ang iba’t-ibang bahagi ng mundo ay mayroong iba’t-ibang klima, pero, ano nga ba ang kahulugan nito?

Ang klima ay naglalarawan sa kung ano ang kalagayan ng atmospera sa isang espesipikong lugar sa loob ng matagal na panahon at sa kasalukuyang.

May koneksyon ang klima sa uri ng kasuotan ng mga taong naninirahan sa isang partikular na lugar at mga bahay na itinayo natin. Depende ang klima sa pagdating ng kainitan, katuyuan, kalamigan o kabasaan sa pook o rehiyon.

Ano Ang Klima? – Kahulugan At Mahalagang Kaalaman Tungkol Sa Klima

Bukod rito, may iba’t-ibang mga aspeto na nakaaapekto sa Klima. Ito ang sumusunod:

  • Latitud o lokasyon ng lugar sa mundo
  • Altitude o taas ng lugar
  • temperatura
  • hangin
  • katubigan
  • Dami ng ulan

Subalit, dahil sa paglaganap ng industriya, malaki ang pagbabagong nagaganap sa kabuuang klima ng mundo. Dahil sa patuloy na pag-init ng ating planeto dahil sa “greenhouse gasses”.

Ito ang dahilan kung bakit ang mga malalaking yelo sa mundo ay mas madaling natutunaw. Dahil dito, tumataas ang tubig dagat na nagdudulot ng iba’t-ibang mga kalamidad. Ang pag-init rin ng temperatura ng dagat ay nagbibigay daan upang makabuo ng mga bagyo.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph.

BASAHIN RIN: RRL Tagalog Halimbawa, Kahulugan, At Proseso Nito

Leave a Comment