Ano Ang Buod At Gintong Aral Ng Kwentong “Ang Aso At Ang Uwak”?
PABULA – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang buod ng kwentong “Ang Aso At Ang Uwak” at ang gintong aral na mapupulot sa kwento.
Ang pabulang ito ay isang mensahe na dapat matuto tayo na hindi lahat ng papuri ay maganda. Minsan, ang mga papuri sa atin ay isa ring paraan ng panloloko upang makuha ng iba ang gusto nila sa atin.
Dapat nating isipin na mahirap ibalik ang respeto at tiwala, kaya dapat ingatan natin kung kanino ito ibibigay. Sa parehong paraan, dapat tayong gumawa ng mga bagay na magbibigay rin sa atin ng respeto at pagtitiwala. Heto ang kwento ng Aso At Uwak:
Ang ibong si Uwak at lipad nang lipad
Nang biglang makita tapang nakabilad
Agad na tinangay at muling lumipad
Sa dulo ng sanga ng malagong duhat.
Habang kumakain si Uwak na masaya
Nagmakubli-kubli nang huwag makita
Nang iba pang hayop na kasama niya
At nang masarili, kinakaing tapa.
Walang anu-ano narinig ni Uwak
Malakas na boses nitong Asong GubatSa lahat ng ibon ika’y naiiba
Ang kulay mong itim ay walang kapara.
Sa mga papuri nabigla si Uwak
At sa pagkatuwa siya’y humalakhak;
Ang kagat na karne sa lupa’y nalaglag
Kaagad nilundag nitong Asong Gubat.
At ang tusong aso’y tumakbong matulin
Naiwan si Uwak na nagsisi man dinIsang aral ito na dapat isipin
Ang labis na papuri’y panloloko na rin.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph
BASAHIN RIN: Pag-ibig Sa Tinubuang Lupa Mensahe At Kahulugan