Ano Ang Gintong Aral Ng Kwentong “Alamat Ng Sampalok” At Ang Buod Nito?
ALAMAT NG SAMPALOK – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang mga gintong aral at buod ng kwentong “Alamat Ng Sampalok”.
Ang mga alamat ay bahagi ng ating karunungang bayan. Ito ay mga kwentong nagbibigay kahulugan at paliwanag sa kung paano nagsimula ang isang bagay.
Bukod rito, may mga gintong aral tayong makukuha sa mga kwentong ito na maaaring gamitin sa ating buhay. Kadalasan, ang mga pangyayari sa mga kwentong ito ay hindi nangyayari sa totoong buhay.
Subalit, ito pa rin ay sumasalamin sa mga totoong kaganapan sa ating lipunan. Heto ang mga gintong aral ng Alamat.
- Ang aral sa alamat ay huwag magiging madamot sa kapwa sa halip ay magbigay dahil higit pa ang biyayang darating sa iyo
- Ang aral sa alamat na ito ay wag magiging mapang api sa kapwa.
BUOD NG KWENTO:
Noong unang panahon, may tatlong prinsipeng ubod ng sama. Sila ay sina Prinsipe SAM, Prinsipe PAL at Prinsipe LOK. Dahil magkakaibigan ay magkasundo silang tatlo sa lahat ng bagay. Lalo na sa kasamaan.
Sila rin ay mapang-api lalo na sa mga mahihirap. Kahit sa mga matatanda, walang respeto ang mga prinsipe. Dahil dito, sila ay nilagyan ng sumpa ng isang engkantada.
Lumubok ang mga mata ng prinsipe at may tumubong puno na napaka-asim ng bunga. At simula noon, tinawag ang bagong puno na “Sampalok”.
BASAHIN RIN: Katangian Ng Pagpapakatao Halimbawa At Kahulugan Nito